“Bakit mo pa pinapaasa si Daimon, Khara? Babalik ka rin naman sa asawa mo ‘di ba? Bakit ka pa bumalik sa buhay niya? Gusto kong ipaliwanag mo sa akin kung bakit ang isang may asawa na katulad mo ay pumapatol sa isang binata na katulad ni Daimon. Ipaliwanag mo sa akin dahil hindi ko naiintindihan!” ani Donna na galit na galit habang nakatingin sa kanya. Nagpasya siyang dalhan ito ng breakfast sa tinutuluyan nitong cabin. Dalawang taon lamang ang kanyang tanda rito. “Kumain ka muna ng breakfast pagkatapos maligo ka. Para mawala ang kalasingan mo,” malumanay na sabi niya. Ibinaba niya ang tray na naglalaman ng agahan ni Donna. Tinimplahan din niya ito ng fresh calamansi juice. Iyon ang ginagawa niya sa kanyang kapatid na si Katarina kapag may hang-over ito. “Napaka-plastic mo!” mataray na

