HINDI mawala ang ngiti sa mga labi ni Daimon habang nasa tabi siya ni Seth. Inihatid niya sa university kanina si Khara at pinaghanda pa niya ito ng breakfast. Pambawi niya sa apat na rounds na nagawa nila kagabi. Tumingin siya kay Seth na abala sa pag-aayos ng base guitar nito na nawalan raw sa tono. Nasa apartment siya ni Seth sa Makati. At naisipan niya itong dalawin dahil hindi siya busy. Dinalhan niya ito ng prutas at gamot dahil masama raw ang pakiramdam nito kaya hindi siya nito sinisipot sa mga lakad niya. “Kung makangiti ka riyan parang may romansahang naganap kagabi, a? Nakakailang rounds ba kayo ni Khara?” Tinawanan niya ang kabastusan na sinabi ng kanyang kaibigan. Ang totoo masayang-masaya lang talaga siya dahil okay na ulit sila ni Khara. Hindi na nito binabanggit si Kat

