NANG MATAPOS pirmahan ni Lander ang mga requirements na kailangan ay ipina-new born screening niya si Jay-R. Babalikan nila ang resulta sa ginawang test dito makalipas ang isang linggo. Tulog na tulog ang kanyang anak habang isinasagawa ang test dito. Mukhang mas matibay pa ito sa kanya. Nag-aalala siya dahil alam niya na eight months pa lamang nito. Minabuti niya na magtanong na isang midwife na naroon sa loob ng laboratory kung bakit hindi ito inilagay sa incubator ngayong kulang pa ito sa buwan. Hinintay niya na umalis ang kausap nito bago siya maglakas loob na magtanong dito. “Ma’am, p’wede ba akong magtanong? Hindi ba kulang sa buwan ang anak namin ng asawa ko? Ang nakalagay kasi sa pregnancy record niya December pa siya manganganak.” “Ano po ang pangalan ng pasyente, sir?” magala

