“Oh, bakit ka naman ganyan kung makatingin sa akin, Daimon? May dumi ba ako sa mukha?” naiilang tanong niya rito. Desperas ngayon ng pasko at abala siya sa pagluluto ng kaunting pagsasaluhan nila ni Daimon mammayang gabi. Kasalukuyan siyang nagluluto ng afritadang manok. Nasa may lamesa naman ito at ginagawa ang fruit salad na request niya. Nasa gitna ng table ang iba‘t ibang klase ng prutas. May inilagay din siya na prosperity bowl kahit na hindi naman new year ang isi-celebrate nila kun’di pasko. “Naalala ko lang kasi iyong naging usapan ninyo ni Tito Cesar? Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa mong aminin sa kanya ang tunay na relasyon nating dalawa. Ang inaasahan kong sabihin mo sa kanya noon ay kaibigan mo lang ako. Hindi ko talaga alam kung paano mo nagawang ami

