"Khara!" malakas na tawag ni Mildred sa pangalan niya. Nasa likod siya ng kanilang bahay at inaasikaso ang mga pananim niyang mga gulay. Hapon na ngunit abala pa rin siya. Kinuha niya ang kanyang cellphone na inilagay niya sa upuan dahil hinihintay niya na ang tawag ni Lander ngunit hanggang ngayon hindi pa rin siya nito tinatawagan o nagre-reply man lang sa mga text messages niya. Nag-aalala tuloy siya sa kanyang asawa. Sinubukan naman niyang kausapin si Katarina kaninang umaga pero may trabaho raw ito. Wala tuloy siyang ginawa kagabi at kaninang umaga kun'di manood na lamang ng TV at libangin ang kanyang sarili. "Sandali lang!" ganting sigaw niya rito. Nagtungo siya sa harap ng bahay niya at nakita si Mildred na humahangos. Hinahabol nito ang paghinga habang nakaupo sa labas ng bahay.

