“HINDI ka ba talaga sasabay sa amin pabalik ng Manila, Donna? Baka kasi mag-aalala pa si Aling Milagros. Sinabi ko pa naman sa kanya na kasama kitang babalik ng Manila,” nag-aalalang ani Daimon kay Donna. Nasa gazeabo sila at kakatapos lamang nilang mag-merienda ng banana cue at bukod juoce. Nagtungo lang ito kanina sa cabin para magbihis ngunit pagbalik nito ay buhat-buhat na nito ang bagpack. At suot na rin nito ang ipinahiram na damit ni Khara rito. “Okay na ako, sir. Nag-text ako sa mga kaibigan ko na sasabay na ako sa kanila pauwi. Ang totoo nga niyang ay kanina pa nila ako hinihintay. Tatawagan ko na lang si Nanay para ipaalam sa kanya na kasama ko ang mga kaibigan ko pag-uwi.” Tumingin ito kay Khara. “Ate, tatawagan mo ako palagi, ha.” Niyakap ito ni Donna. Naging close kaagad

