“TAPATIN mo nga ako, Lander. Ano ba talaga ang trabaho ng asawa mo? Nagtataka ako sa ganoong klase ng pananamit niya. Hindi ganoon manamit ang mga babaeng sa opisina nagtratrabaho, Lander! Baka may ibang ginagawa ang asawa mo sa Ma---" “Tita Isabel, huwag ninyong sasabihin iyan kay Kat, kapag narito siya. May tiwala ako sa asawa ko, Tita. Malaki ang sakripisyo niya para sa aming dalawa. Tignan naman ninyo na dahil sa kanya gumanda na itong bahay. At nabibili na rin niya ang pangangailangan ng anak namin. Naging mahirap ang buhay namin sa Pampanga, Tita Isabel. At kung hindi dahil kay Kat, baka hanggang ngayon naroon pa rin kami at naghihirap,” pagtatanggol ni Lander kay Katarina. Kinuha niya ang anak niyang kalong-kalong ng kanyang tiyahin. “Huwag sana ninyong pag-iisipan ng kung ano-ano

