“MISTER KO!” malakas na sigaw ni Khara pagkapasok pa lamang niya sa bahay nila. Tuwang-tuwang siya habang hawak-hawak ang resulta ng grades niya ngayon first semester. Ipina-print pa niya iyon upang ipagmalaki rito. Dumaan din siya sa bilihan ng manok at nag-crave siya ng adobong paa ng manok. “Mister ko, nasaan ka ba?” Hinanap niya ito sa loob ng bahay nila. Wala ito sa may garden at wala rin sa loob ng kuwarto nila. Wala din ito sa study room at sa dati nitong kuwarto. Naroon naman sa garahe ang sasakyan nito. Malungkot na ibinaba niya ang kanyang bag sa sofa at binitbit niya ang plastic na may laman na isang kilong paa ng manok. Nagtungo siya sa kusina para uminom ng tubig at ibinaba sa may lababo ang plastic na hawak niya. “Khara?” Malakas na tawag ni Daimon sa kanya. Lumabas ito n

