Chapter 41 3rd Person's POV; "Ang gwapong bata." "Mukhang anak mayaman." "May lahi." "Hihi Crush ko na yata siya ate." "Myka manahimik ka nga ang bata-bata mo pa ang harot mo na." "Ihh ate naman tingnan mo kasi ang pogi-pogi." Kanya- kanyang komento ng mga taong nasa paligid ng kama kung saan natutulog ang batang nasa sampung taon na gulang na bata at puro galos. "Jusmiyo por santo lumayo kayo sa bata nakikita niyo ng pinapawisan." Ani ng ginang matapos lapitan ang kama at punasan ang mukha ng batang lalaki. "Inay saan niyo ba napulot ang batang yan? Naiintindihan po namin na gusto niyo ng anak na lalaki pero hindi kayo pwede mangidnap ng bat--- aww! Inay!" Reklamo ng dalagita matapos hampasin siya ng ginang nang pamaypay. "Hindi pa ako loka-loka para mangidnap ng bata." Ani ng