Chapter 33 3rd Person's POV; "Casspian?" Napatingin ang batang lalaki sa ginang na lumapit sakanya. "Tita." Ani ni Casspian habang nakaupo sa gilid ng isang maliit na fishpond sa loob ng isang malaking garden. "Nasa playroom sina Ceiron bakit ka andito?" Tanong ng ginang bago umupo sa bench na nasa likuran ni Casspian. "Nagpaalam naman po ako sakanila." Sagot ni Casspian bago tiningnan ulit ang mga carpa na lumalangoy. "Mukhang may problema ka ayos ka lang?" Tanong ng ginang na kinailing ni Casspian bago niyakap ang mga tuhod at tumungo dun. "Hindi ko po kasi maintindihan bakit napakakomplikado nang buhay ng tao, bakit pakiramdam ko kahit anong gawin namin desisyon hindi namin totally makuha ang mga bagay na gusto namin makuha." Bulong ni Casspian na kinatahimik ng ginang. "Sa eda