NAPANGITI ako nang makitang maayos na ang lahat na mayro'n ako ngayon. Almost one week din ang tinagal ko sa hospital dahil nga inobserbahan ako at maging ang baby ko. Hindi ko alam na may buhay na pala sa aking tiyan. Bukas lamang din ay uuwi na kami. Maayos naman na ang pakiramdam ko at maging ang baby ko ay maayos lang din ang heartbeat. Napahawak ako sa aking tiyan habang dinadama iyon. Hindi ko alam pero excited na akong may maramdaman na gumagalaw sa tiyan ko. Napatigil ako nang may bumukas ng pinto. Lumaki ang mga mata ko nang makita si Kori na nasa wheelchair habang tulak-tulak siya ni Kyro. “Baby...” Nanginginig ang aking labi ng makita siya. Nakalapit siya sa aking tabi at hinawakan ang aking magkabilang kamay. “Thanks, God, you are safe. I am very worried about you. Fo