Namamalikmata lang ba ako? O, si Chandall talaga niyong nakita ko pagkababa namin sa Yate? “What's wrong, sunshine?” Napatingin ako kay Kyro ng magsalita siya sa tabi ko. “Sino tinitignan mo roon?” Nakaturo ang kanyang kanang hintuturo sa kaliwang side namin ma beach. “Parang... Parang may nakita akong familiar face, e. Pero, baka guni-guni ko lang, Kyro.” Hindi ko masabi ang totoo kay Kyro. Ngumiti na lang ako sa kanya at hinala na ang kaliwang kamay niya at para masabayan namin maglakad si Kori. Ayoko naman i-open up ang tungkol kay Chandall. Ang sabi naman nila Kyro ay nasa ibang bansa na ito at never ng babalik dito sa Pilipinas. Paano silang nakakasigurong hindi na nga babalik ang babaeng niyon? Pero, baka nga guni-guni ko lang niyon. Bawal pumunta sa Island na ito na wala ka sa