“Baby!” Napatakip ako ng aking magkabilang tenga ng marinig ang malakas na boses ni Kori. Hindi ba niya alam na gabi na? Hindi ba niya nakitang madilim na sa labas? Ang bunganga talaga ng isang niyon. “Tita Bella, uncle Kori is here po with pasalubong!” Narinig ko ang boses ng pamangkin kong si Luigi. Nasuhulan na naman sila. Ilang beses ko ng sinasabi kina Luigi at Mario na pinsan nila sina Kyro at Kori kaya dapat ang itawag nila sa dalawa ay kuya at hindi uncle, pero kahit ilang beses kong ulit-ulitin sa kanila, uncle pa rin ang tawag nila. How nice. Binato ko ng unan ang tumatawang si Kyro. Nasa sahig siya ng k'warto ko at abalang nanonood na anime movie. May tinext na naman siguro ang isang ito kaya napasugod dito niyang si Kori. “Kyro!” matinis na tawag ko sa kanya pero bi