KYRO‘S POV NATARANTA kami ni Kori ng marinig ang sigaw ni Bella sa kabilang linya. “Hello, sweetheart? Nandyan ka pa ba? Hello? Hello?” paulit-ulit ang aking boses pero wala ng sumasagot sa kabilang linya. Hanggang mamatay ang tawag. Nagkatinginan kami ni Kori sa isa't-isa at hindi namin maipaliwanag dahil bigla kaming kinabahan. Noong una ay pinapakalma pa namin parehas ang aming sarili hanggang maka-receive ako ng tawag mula kay Uncle Timothy. “M-may kumuha kay Bella...” Tulalang sabi ko nang mamatay ang tawag namin ni Uncle Timothy. “What the f**k!” Malakas na sigaw ni Kori. Tinadyakan pa niya ang swivel chair niya. “What the! Sino ang gumawa nu'n?” Nanggagalaiti niyang sabi habang patuloy pa rin siya sa pagsipa. Hindi ko alam pero kusang lumabas sa bibig ko ang pangalan ng iisa