“Chandall you're so funny!” Paulit-ulit pa ring tumatakbo sa isipan ko ang pangalan niyang iyon. Hindi ko ang nagkakamali, siya niyong nakita ko sa Island. Pero, paano? “Bella, are you okay? Kanina ka pa space out simula ng bumalik tayo rito. Hindi ka ba natunawan? Ang dami mo kasing nakain kanina, e.” Hindi ko pinansin ang sinabi ni Shanel sa akin. Paanong red and white na uniform na ang suot niya? Kung last na kita namin ay white and green ang uniform na suot niya. Paanong nandito na siya? Alam ba ito ng dalawa? Paano kung hindi pa nila alam? Anong gagawin ko? Sasabihin ko bang nakita ko na ulit si Chandall? Na nakabalik na siya rito sa Pilipinas? Maniniwala ba sila sa akin? “Uy, Bella, anong nangyayari sa'yo? Kanina pa kita kinakausap, parang wala kang naririnig?” Napapi