Nang sumunod na araw, gano'n pa rin sila sa akin. Wala akong natatanggap na text o tawag mula sa kanila. Mag-iisang linggo na silang walang paramdam sa akin at wala akong ideya kung anong ginagawa nilang dalawa. Maging ang kasal namin hindi namin maplano-plano dahil wala sila. Hindi sila nagrereply man lang sa mga text ko. Napasandal ako sa passenger seat ng si kuya Timothy na naman maghatid sa akin. Lagi si kuya Timothy ulit ang naghahatid-sundo sa akin simulang hindi nagpaparamdam ang dalawa. Lumingon ako kay kuya Timothy na tahimik na nagdadrive papuntang FEU. Gusto ko na talagang magtanong sa kanya about sa mga pamangkin niya. May karapatan naman akong magtanong kung anong ginagawa nila diba? Pinapakiramdaman ko muna ang paligid sa loob ng kotse, hindi naman bad mood si Kuya Tim