SHAIRA Matapos ang maghapon na pa ikot-ikot sa lansangan at kung saan-saan ay nakauwi na rin kami ng hotel. Nagpahatid na lamang kami ng pagkain dahil hindi maikakala ang matinding pagod at puyat ng kasama ko kaya minabuti nitong umuwi agad nang lumabas kami sa isang boutique para mamili ng ilang piraso ng damit na susuotin namin sa pang-araw-araw. Hindi ko alam kung gaano kami katagal dito at ilang araw na maglalagi dahil malimit ay tahimik ang kasama ko na tila ba laging nag-iisip ng kung ano-ano. Kung sabagay kahit sino naman ang nasa katayuan ni Liam ay malaki ang problemang kinakaharap dahil sa trahedyang nangyari sa construction ng ginagawang building ng hotel. Sinabayan pa kasi ito ng nakaladkad na pangalan sa kahihiyan matapos na lumabas ang isyu tungkol sa pagkakasangkot ng kum

