SHAIRA Tulad ng nakagawian ay kasabay akong pumasok ni Liam sa opisina. Muntik na kaming tanghaliin kanina dahil ang lalaking kasama ko ay parang tinatamad pang bumangon at gusto eh mag-rest day muna daw kami. Mabuti na lang na pilit ko itong pumasok dahil alam ko na maraming naghihintay na trabaho sa amin. "Shai, kumusta lakad n'yo ni boss?" kalabit sa akin ni Mona ng bumaba ako sa finance department para ibigay ang list ng employee na kailangan ang cash assistance. "Hayon inabot ng bagyo," tipid na sagot ko. Ayaw ko kasing sabihin dito ang tungkol sa amin ni Liam dahil para itong reporter na mabilis sumagap ng balita. "Ang swerte mo naman kasama mo si boss ng gano'n katagal tapos kayo lang doon," sabi nito na alam kong naiinggit at kinikilig. "Sira, trabaho ang pinunta namin doon,

