SHAIRA Nagniningning at nagngingitngit sa galit na pumasok ako sa loob ng bahay. Kita ko na tahimik at patay malisya ang mga taong kasunod kong bumalik sa loob pero wala kahit isa ang nangahas na magsalita at nagtanong sa akin tungkol sa nangyari sa labas. Tahimik na nagliligpit kami dahil ito na ang huling araw ng trabaho nila sa akin. Tinatapos na lang namin ngayong araw ang paglilinis kaya pwede na kaming lumipat ni Mama kinabukasan. Matapos magbayad sa mga kasama ko ay tumawag na ako ng grabcar na maghahatid sa akin sa bahay namin. Ayos na ang lahat, nakahanda na ang bahay at pwede ko ng lipatan sa susunod na araw. Alam ko na kailangan ko na ulit makahanap ng trabaho dahil habang tumatagal ay unti-unting nauubos ang savings ko. Tama nga si Jasmine masyadong mahal ang mga bilihin