SHAIRA Hindi nagtagal ay nagpaalam na ako sa pamilya ni Liam na uuwi. May pasok pa kasi kami bukas kaya mismong si Liam na ang nag-aya sa akin. Maaga meeting namin sa Steel and Magnet Corporation kaya pinili naming umuwi agad kahit pa panay ang tukso sa amin ni Lyndon. "Salamat," sabi ko kay Liam ng makarating kami sa pintuan ng bahay ko. "Gusto kitang laging samahan dito lalo na babae at nag-iisa ka sa gabi pero this time, hindi pwede. Nasa bahay ang Lolo ko at matalas ang pang-amoy ni Arianne kaya malalaman nilang wala ako sa bahay," nakasimangot na sabi ni Liam. "Ayos lang 'yon. Maaga tayo bukas kaya mas mabuti na matulog ka na agad," sagot ko kay Liam. "Yeah, matulog ng maaga," sabi nito sabay tango. "Umuwi ka na sa inyo, may mga bisita kayo," tulak ko dito dahil pumasok pa sa b

