SHAIRA Mabilis na lumipas ang isang buwan. Araw-araw ay kasabay akong umuwi at pumasok si Liam sa opisina. Hindi lingid sa akin ang bulong-bulugan ng ilang ka trabaho ko tungkol sa malisyosong mga kwento tungkol sa na namamagitan sa amin ni Liam. Wala pa umano kasi itong babaeng isinama sa opisina araw-araw at hatid sundo pa maliban sa akin. Hindi kasi nila alam na kapitbahay ko lang ito kaya iisa ang destinasyon namin. Lihim na natutuwa ako dahil pabor ito sa akin, maaari kasi itong makaapekto sa babaeng nauugnay sa kan'ya. Alam ko na masama ito pero gano'n talaga minsan kailangan bawian ko siya sa ibang paraan. Inaalam ko pa kasi kung sino ang babaeng nauugnay kay Liam pero masyadong madulas ito. Wala man lamang kasing inuutos sa akin na bilhan at padalhan ko ng bulaklak gaya ng usua

