SHAIRA Hindi ko na pinakinggan pa ang lahat ng usapan sa loob ng opisina ni Liam dahil minabuti kong umalis na lamang. Mas mabuti na ganito ang ginawa ko dahil alam kong konti na lang ay bibigay ako. Mahal ko si Liam at masakit sa akin ang mga narinig ko pero kasalan ko rin naman ang lahat dahil naging padalos-dalos ako at hindi nakinig sa paliwanag niya. Alam ko at inaamin ko na mali ang hindi ko siya pinagkatiwalaan pero masisisi ba nila ako kung simula pa lang ay si Liam ang itinuturo ng mga ebidensya nakuha ko. Sinusubukan ko naman na magtiwala sa kan'ya kaya nagawa kong ibigay ang sarili ko ng buong-buo bagay na hindi ko ginawa kahit kanino. Siguro ganito na talaga ang kapalaran ko. Pumunta ako sa opisina niya pero huli na ang lahat. He's with someone na alam kong naging malaking

