Jaypee's POV TINITIGAN ko ng masama ang braso ni Steven at gusto kong lumapit doon at tanggaling ang pagkaka-akbay rito. Kaso wala naman akong karapatan na gawin 'yon dahil in the first place wala namang kami ni Arietta. "Arietta and I are in a relationship," nakangiting sabi ni Steven. Wala akong magawa kung hindi ang umiwas na lang kay Arietta dahil ako lang din naman ang masasaktan dito. Ayokong ipilit ang sarili ko sa taong hindi ako maalala. Hanggang isang araw ay nagulat ako nang makita si Zeina sa harapan. Una pa lang ay ayaw ko na sa kaniya. Ibang-iba ang ugali niya kapag magkasama kami sa iisang bahay. Masyado siyang pakitang tao. Hindi na ako magtataka na naging artista siya dahil magaling siyang gumanap. Ang nag-iisang pamilya na meron pa ako ay inaagaw pa nila ng nanay niya