Arietta's POV NAUUBUSAN na ako ng hangin at unti-unti na ring nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha. "Steven!" isang malakas na sigaw ko. Nabigla ako nang may humatak sa kamay ko at namalayan ko na lang na nasa bisig niya na ako. "Shh... I'm here." Biglang bumuhos ang sunod-sunod na luha mula sa mga mata ko. "Sorry, I shouldn't have left you here." "Steven, akala ko iniwan mo na ako." Inilayo niya naman ako sa kaniya at tinanggal ang eyeglasses ko. "Sorry, babe. I’m sorry." Naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa noo ko bago niya akong muling niyakap nang mahigpit. 'Yong kaninang takot na nararamdaman ko ay bigla na lang naglaho. Ilang segundo ang tinagal ng yakap na 'yon bago kami bumitaw sa isa't isa. Siya na ang kusang naglagay ng eyeglasses ko pabalik. "Saan ka ba pumunta?"