Arietta's POV NAGISING ako dahil sa sunod-sunod na tawag sa akin ng manager ko. Nang tumawag ulit ito ay sinagot ko na. "Kanina pa kita tinatawagan, Barbie! Bakit ngayon mo lang sinagot?" bungad na tanong nito sa kabilang linya. Tumayo naman ako at dumiretso na sa banyo. Pinindot ko na lang ang loudspeaker para hayaan siyang magsalita. "Kakagising ko lang. Kailangan ko pang puntahan si Reed mamaya sa hospital," sagot ko habang nilalagyan ng toothpaste 'yong toothbrush ko. "Nakung, bata ka! Kumusta na pala ang kambal mo?" Napatigil ako sa ginagawa ko at napaharap sa salamin. Naalala ko na naman 'yong nangyari. "Barbie?" tawag nito kaya natauhan ako. "Sabi ni Mimi kagabi ay gumising na siya," mabilis kong sagot. "Naku! Salamat sa Diyos!" "Bakit ka pala napatawag?" tanong ko. Sinimu