Arietta's POV KUNG minsan ang reyalidad ang nagbibigay komplikado sa buhay natin. Kasi kung kailan mo nakita ang halaga ng isang tao ay doon mo lang mapagtanto na huli na pala. I was biting my lips, and tears began seeping down my cheeks. I can't control my tears from falling. Alam kong pinagtitinginan na ako ng mga tao rito, pero wala akong balak umalis sa kinauupuan ko. All this time ay nasa tabi ko lang pala yung isang tao kaya akong mahalin kung sino ako. Hindi ko man lang nakita ang halaga niya. Masyado akong nagpadala sa galit ko noon kaya pati siya ay nadamay ko. Bakit hindi ko kaagad napansin? Bakit kung kailan wala na ay doon ko pa siya hinahabol? Napakamanhid mo talaga, Arietta. Ang tanga mo. Ang tanga-tanga mo! Kung alam ko lang kung saan siya papunta. Agad akong magpapa-b