Arietta's POV KINUHA ko ang cellphone sa gilid at nag-text kay Shan na pauwi na kami. Sinundo kasi ako ni Manager Paris sa school at nagulat siya nang malaman ang ginawa ko. "Ilang beses akong nagsabi sa'yo na ipaalam sa akin kung ano man ang magiging desisyon mo." Sumandal ako sa upuan ng kotse nang magsimulang manermon si Manager Paris. "Alam mo ba na ang dami kong na-cancel na interviews mo?" Ipinasok ko ang cellphone sa mini bag at bumuntong hininga. Tinignan ko siya habang nagda-drive at nakita ko ang galit sa mukha niya. Ayokong sabihin sa kaniya ang totoong dahilan kung bakit ako nag-transfer sa Uranium University. Hindi niya na dapat malaman pa. "I'm sorry," nakayukong sabi ko. "Ayoko naman talagang itago sa iyo 'yon." "Rita, pumunta tayo sa Pilipinas dahil sabi mo ay gusto m

