Arietta's POV NAKITA ko ang gulat na reaksyon nina Steven at Zeina nang makita ako sa harapan nila. Gustuhin ko man silang pagsalitaan ng masama, pero hindi na ako ang Arietta na 'yon. "Arietta, what are you doing here? May narinig ka ba?" tanong ni Zeina, pero hindi ko siya sinagot. Ilang segundo ko silang tinitigan bago ako humakbang palayo sa kanila. Palayo sa mga taong sumira ng tiwala na binigay ko. Ubos na ubos na akong intindihin pa sila. "Arietta," tawag ni Steven nang mahawakan niya ang kanang kamay ko. Napatigil siya nang makita ang pagaling na sugat ko sa may palad. Inagaw ko sa kaniya ang kamay ko at tumalikod. Ngunit, muli niya na naman itong hinawakan. Naalala ko na naman ang mga narinig ko mula sa kanila. Unti-unting pumatak ang luha mula sa aking mata, pero pinahid ko i