Arietta's POV ONE month had passed. Pagkatapos ng ginawa ni Zeina ay mabilis na pinatawag ang magulang nito. Mabilis na inaksyunan ng paaralan ang ginawa niya. Kinabuksan ay pinatanggal na siya sa paaralan. Isang buwan na ang nakalipas, pero wala kaming narinig na balita sa kaniya. Ang sabi ni Jaypee ay pumunta raw ito sa pamilya sa side ng true father niya. Walang alam si Jaypee kung sino 'yon dahil hindi naman siya nangingialam sa pamilya ng step mother niya. Naging tahimik at maayos na ang paaralan simula nang mawala siya. Si Reed naman ay nakalabas na rin ng hospital at pumapasok na. Nalaman din ng buong paaralan ang tungkol sa paghulog ni Zeina ng flower pot sa akin at pagsagip ni Reed. Hindi lang pala ako ang nakakita sa kaniya. May estudyante rin pala ang nasa lugar na 'yon ang