THE FOLLOWING DAYS JUST WENT NORMAL. Si Leon ay sa bahay pa rin namin tumutuloy, ni hindi na nga halos umuuwi sa apartment nila ni Joy. Ang sabi niya ay gusto niya akong maalagaan, okay lang naman iyon sa akin kasi gusto ko rin naman siyang makasama lagi. But he told me that he was able to buy a lot just a few blocks away from our home. Walking distance lang talaga sa bahay namin ang pinili niya kasi gusto niyang bumukod kami pero ayaw niya na malayo ako sa pamilya ko, dahilan kung bakit mas lalo ko siyang minamahal. Sinabi rin niya na sisimulan na niyang pagawan iyon ng bahay bago kami bumiyahe papunta sa Isla Amara para sa kasal namin. Naasikaso na lahat ni Tita Salve ang kailangang asikasuhin para sa kasal namin ni Leon. She asked me to get a CENOMAR and some other requirements that w