Chapter 62

2020 Words

HAPON NA NANG MAGISING AKO. Pinabalik kasi ako ni Tatay sa loob ng kuwarto ko at hindi ko namalayan na nakatulog na ako dala ng pag-iyak. Nang lumabas naman ako at sumilip sa bintana ay nakita ko si Leon na nakaluhod pa rin sa harap ng gate namin. Nanlaki ang mga mata ko kasi kung paano ko siya huling nakita kanina ay gano’n pa rin siya ngayon. Hindi man lang ba siya tumayo? “Lando, bakit nandoon pa rin siya?” may halong pag-aalala na tanong ko, mahina lang iyon kasi ayaw kong marinig ni Tatay. “Hindi nga umalis, Ate, eh. Hindi ko naman malapitan kasi baka pagalitan ako ni Tito,” sagot ni Lando na halatang nag-aalala na rin. Magsasalita na sana ako ulit pero nakita ko na magkasamang lumabas sa kuwarto sina Nanay at Tatay. “Anong ginagawa niyo riyan?” tanong ni Tatay nang makitang nasa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD