HINDI PA RIN NAWAWALA SA ISIP KO ANG MGA NANGYARI KANINA. Ngayon ay nasa loob na kami ng opisina ni Leon, kasama ang mga magulang niya at nag-uusap sila tungkol doon pero ako ay nanatiling tahimik lang. Kasalukuyan din kaming nakaupo sa L-shaped sofa, naka-akbay sa akin si Leon at magkatabi naman ang mga magulang niya. Astrid was behind Leon’s accident? Paano nangyari iyon? Bakit hindi ko alam? “Oh, that revenge was unbelievably sweet,” malawak ang ngiting saad pa ni Tita Salve. “Is there a problem, love?” marahan ang boses na tanong sa akin ni Leon, siguro ay napansin niya na kanina pa ako tahimik. “H-hindi lang ako makapaniwala na siya ang dahilan ng aksidente mo,” mahinang sagot ko. “Hindi rin namin alam noong una, hija,” sagot naman ni Tita Salve. “We just found out about it rece