KUMUNOT ANG NOO KO NANG MARINIG ANG INGAY SA LABAS KINABUKASAN. Nagising ako dahil parang may pinupukpok na hindi ko alam. Napabuntong hininga naman ako at agad na tumayo para makaligo na, at siyempre, hindi na naman ako nakatakas sa pagduwal. Nang matapos ay agad akong lumabas para makapag-agahan na. I’m not sure if Leon is still here. Base kasi sa narinig ko kagabi ay nagpaalam siya kina Tatay na uuwi na muna sa apartment niya. Hinayaan ko naman siya. Kumunot ang noo ko nang marinig ang mahinang pagtawa nina Nanay at Tita mula sa terasa namin, kaya naman imbes na sa kusina ako dumiretso ay sinilip ko sila. “Ano pong meron? Bakit ang ingay?” tanong ko habang nasa pinto, sabay naman nila akong nilingon. “Tignan mo, hija,” natatawang sagot ni Tita. Hindi naman ako nagdalawang isip na