I TOOK A PIECE OF FRIES AND ATE IT. Siguro ay alas nueve na ng gabi at maingay na ang mga kasama ko, nakikisabay sila sa maingay na sindak ng musika sa loob ng bar. Masayang kuwentuhan at asaran ang nangyari. Mukhang may mga tama na rin sila kasi ilang bucket na rin ng beer ang nakuha nila. Hindi naman nila ako pinilit na uminom, kung tutuusin ay pinang-order nila ako ng orange juice, isang buong pizza at fries. Kaya wala akong ibang ginawa kung hindi ang kumain lang at sumabay rin sa kuwentuhan. “Pero, Girl, ang hot ni Fafa Leon! Ang suwerte mo,” humagikgik silang lahat nang sabihin ni Karla iyon. “Nag-chukchak na ba kayo, girl?” dagdag na tanong pa niya kaya nanlaki ang mga mata ko, silang lahat naman ay nagtawanan. “Karla!” nahihiyang saad ko, naramdaman ko rin ang pamumu