THE FOLLOWING DAYS JUST WENT NORMAL. Kahit pa araw araw naming nakikita at nakakasalamuha si Astrid sa studio ay parang wala naman siyang balak na hindi maganda. But one thing I noticed is that, Leon has been keeping his distance to her. Kahit pa sa tuwing mag-i-initiate si Astrid ng usapan ay hindi siya pinapansin ni Leon. Nag-over think na naman ako noong una. I thought that he’s still bitter with the whole situation, and still not over his ex-wife. Pero siya na rin mismo ang nagsabi na ayaw lang niyang isipin ni Astrid na okay na siya sa lahat ng ginawa niya sa kanya, maging sa buong pamilya niya. He told everything to me even though I didn’t ask. Nabanggit niya na malaking damage ang nagawa ni Astrid sa JAR Group. Kahit pa marami silang pera ay hindi pa rin basta basta ang halaga na