Present Day WE STAYED IN THE HOSPITAL FOR THREE MORE DAYS TO LET MY WIFE REST. Hindi naman ako umalis sa tabi niya sa mga oras na iyon. And even though it’s hurting me to see her still in pain the whole time, I tried to compose and calm myself. Ayaw kong ipakita at iparamdam sa kanya na nanghihina at nasasaktan din ako dahil sa kalagayan niya. Knowing my wife, I know that it won’t do her any good. Baka mas makadagdag lang ako sa mga iniisip niya. Doon na nga rin ako naliligo, hindi ko siya iniwan kahit pa ilang minuto lang. Kapag may kakailanganin ay nakikisuyo na lang ako kina Lando at Joy na siya namang malugod na sinusunod nang dalawa. Lalo na’t sa mga oras na nasa hospital siya ay mas gusto niya ang matulog at magpahinga, hinayaan ko naman siya kahit pa gustong gusto ko siyang maka