THE SLEEP I HAD LAST NIGHT WAS VERY GOOD. Leon and I were cuddling the whole time. Mababaw lang ang tulog ko, at kahit pa nakapikit ako ay ramdam ko ang paminsan-minsang paghalik niya sa ulo ko sa tuwing magigising siya. Hindi na rin naman namin pinag-usapan ang mainit na nangyari sa pagitan naming dalawa sa banyo. Nahihiya rin kasi ako sa kanya. Lalaki siya, at matagal siyang nangulila sa asawa niya, hindi naman ako tanga at inosente para hindi malaman na sabik siyang gawin ang bagay na iyon. But he’s a total gentleman to respect his wife’s decision regarding that matter. At nagpapasalamat ako dahil doon. Bago naman kami matulog kagabi ay nagpasya akong ayusin ang mga gamit namin na dadalhin namin sa Pangasinan ngayon. Inagahan ko talaga ang gising ko para makatawag kay Lando. Pagkabab