TINAPOS na ni Travis Rigor ang panonood sa video nang makitang lumabas na si Marvin sa kanyang opisina. Inilagay na niya ang cellphone sa dashboard ng kotse. Nasa unang hakbang pa lang siya. Wala pa siya sa totoong plano niya. Nakausap na niya si Fred kahapon. Inutusan niya ito maghanap ng hired killers. Naging mabilis naman ito sa pag-introduce ng sariling tauhan nito na mas lalong mainam dahil hindi na siya mahihirapan sa pagnegosasyon. Uunahan niya sina Belinda at Marvin sa binabalak ng mga ito na patayin siya. Gusto na rin niya maligpit ang dalawang taksil dahil baka muli na naman pagtangkaan ang buhay ng kanyang magulang. Pero gusto muna niyang pahirapan ang mga ito. Torture-in, hanggang sa ang mga ito na mismo ang makiusap na patayin na lang. Bukas ay titipunin na niya ang mga t