Forty-Seven Walang tigil ang pagbagsak ng luha ko. Tapos nang magkwento si Brent. Walang nakaimik agad sa amin sa naging rebelasyon nito. Huminga ako nang malalim habang titig na titig sa lalaking simula nang natuto akong umibig ay ito na lang ang lalaking nakita ko. Minahal ko ito, selfish move ang ginawa nito kung tutuusin. Sa sobrang takot nitong magsabi ng totoo sa sitwasyon nito mas pinili nito ang maling paraan para maibigay ang gusto ko. "Hindi ako nagsisisi na ginawa ko 'yon, kasi nang dumating sa buhay natin si Apple ibang klaseng kasiyahan ang ibinigay n'ya sa ating dalawa. Minahal ko s'ya kahit na hindi s'ya sa akin. I'm sorry, dahil tinapos ko ang pakikipagkaibigan sa 'yo Zack. Sobrang takot ko lang na masira ang pamilya ko. Na malaman mo ang ginawa ko-- na kamuhian ako ni L