Special Chapter part 1

1054 Words

"Lolo!" excited na sabi ni Mint na sumalubong sa lolo nito. Mabilis namang sumunod si Zack na alalang-alala kay Mint. "My beautiful apo!" binuhat nito ang bata na pinupog nang halik si Dad. Sumunod na bumaba ng hagdan ang partner nito na nakasimangot na naman pero nang makita ang bata ay mabilis na inagaw kay Dad. "Mommy La!" "Naku, pataba ka nang pataba, hindi ka na mabuhat ng mommy La!" sabi nito na ikinangiti ko. Hindi man kami totally okay nito mabuti ang puso nito para sa anak kong si Mint kahit kay Apple noon. "Bakit nakasimangot na naman ang bruha?" natatawang tanong ko kay Dad. "Tsk, sa tanda naming 'to iniisip pa rin n'yang ipagpapalit ko s'ya!" sabi ni Dad na nakatitig sa dalawa. Inakbayan ako ni Zack na nakikinig rin sa usapan naming dalawa. "Baka naman kasi totoo!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD