"Brent?" nagtatakang sabi ko pagbaba ng sasakyan nasa gilid ito ng kalsada at waring nakatulog na ito roon. May kukunin lang akong gamit t'saka dederetso na sa opisina. Pero heto ako gulat na makita ito roon. Bakit nasasaktan pa rin ako na makita ito sa ganitong ayos. Hindi ba ito inaalagaan ng taong pinili nito over his family? Why? "L---isse, love?" mabilis itong tumayo at nagpagpag ng pantalon. "Doon ka ba natulog kay P-apa? Nakausap ko 'yong pulis na namumuno sa paghahanap sa anak natin, pero hanggang ngayon wala pa ring lead! Baka naman matulungan tayo ng Papa mo---" "Ginagawa na namin ng ama ko ang dapat gawin, pwede ka nang umalis!" sabi ko rito akmang hahakbang papasok ng bigla ako nitong niyakap sa likuran. "I miss you!" naramdaman ko ang luha nito na pumatak sa balikat k