Chapter 49 3rd Person's POV "Khai?" tawag ni Kisseo. Nag-ikot ikot si Kisseo sa paligid ng kindergarten para hanapin ang kapatid niya. Hawak ang paboritong black wolf ni Kisseo nakarating siya gate kung nasaan ang building ng grade 1. Lumingon-lingon si Kisseo habang hinahanap ang kapatid. "Ah! Ah! Monster!" Napatingin si Kisseo sa loob ng gate matapos makita ang grupuhan ng mga bata na may binu-bully na batang lalaki. Nakaupo ang batang lalaki sa lupa at tinatakpan ang sarili ng mga braso. "Grr bullying again," ani ni Kisseo. Pumasok si Kisseo sa loob at balak niyang sugurin ang mga bata nang maalala niya ang sinabi ng kapatid na si Karen. 'Kapag may nam-bully sa inyo at madami sila. Sumigaw ka ng teacher.' "Teacher! May nambu-bully dito! Teacher!" Agad na nagtakbuhan ang mga

