Chapter 22 3rd Person's POV "Aray!" Napahawak sa ulo si Loki nang kaltukan na naman siya ng ama. "Ilang taon ka na bang bata ka at nagdedesisyon ka na lang mag-isa. May sarili kang bahay tapos gusto mo mag-stay sa ibang pamilya?" asik ni Kieran. Napasapo si Gallema sa noo. Bigla na naman sumakit ang ulo niya dahil doon.. "Sino ba naman kasi may sabing mananatili ako doon! Temporary lang sinabi ko— after class uuwi ako pero sa mga Lewis ako matutulog! Doon ako kakain sa mansion— ano ka? Ikaw lang makakain sa luto ni mom!" asik ni Loki na masama ngayon ang tingin sa ama. "Loki, aware ka naman na hinahabol ka ng biological father mo diba? Paano kapag naulit ang aksidente," ani ni Gallema na kinatingin nina Draken. Hindi sila makapaniwalang basta na lang iyon ini-open ni Gallema. "K

