Chapter 33 3rd Person's POV Sinabi ng emperor na tutuparin niya ang kasunduan kapalit ng nais niyang pakikipagkaibigan sa prinsesa. Hindi maiwasan magduda ng hari doon. Kakaiba ang dating sa kaniya ng emperor at sa mga tunay na hangarin nito. "Hindi ko akalain na magiging emperor ka ng ethereal. Totoo ba kaya mo sinakop ang saiseven para mahanap ako?" natutuwa na sambit ng prinsesa na para bang maganda iyong ginawa ng emperor. "Ilang taon din kita hinanap mahal ma prinsesa. Ilang emperyo na din ang nasakop ka sa dahilang gusto lang kita ulit makita." Ngumiti si Gallema matapos marinig iyon. Hindi pa din nagbabago ang kilala niyang Mavis— gagawin pa din nito lahat para sa kaniya. Kalaunan matapos magpaalam ng hari na magpapahinga. Nagpasya ang emperor na ihatid ang prinsesa sa mag