Rebirth of the Tyrant's Princess-05

2159 Words

Chapter 05 3rd Person's POV Ipinasok ni Kieran si Loki sa isang prestigious university para doon mag-stay at mailayo kay Gallema. Nasa opisina si Gallema at Kieran ngayon ay kausap ang principal. Inaaya sila nito ngayon sa field kung nasaan ang mga batang nasa 7 years old pataas. Lahat masayang naglalaro. Naaninag ni Gallema at Kieran si Loki na nakaupo sa swing. Nakayuko ito habang sa harap nito may isa pang batang lalaki na nakaupo sa lupa. Pamilyar kay Gallema ang dalawa. Iyon si Loki at Raven. "Hindi palaimik na bata si Loki ngunit matalino siya at palaging nangunguna sa klase. Walang mairereklamo dito ang guro," ani ng principal na nakatayo sa tabi nila ni Gallema at Kieran. "Kumakain ba ng maayos dito si Loki o may naging problema ba siya sa school?" tanong ni Gallema.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD