Chapter 32 3rd Person's POV "Hindi ko hahayaan na mapunta sa wala ang kalayaan na binigay sa inyo ni Kieran o may nangyari sa inyong masama. Hindi lingid sa kaalaman ko na noon at hanggang ngayon kayo ang tanging mga taong tinuring ni Kieran na pamilya. Hindi ko iyon hahayaan na mawala sa kaniya," ani ni Gallema. Hindi nagbago ang expression nina Thadeus. "Pasensya na Mrs.Vicardia— wala kaming balak na tumayo na lang dito at maghintay. Hindi namin mapapatawad ang mga Tayson. Hinding-hindi," malamig na sambit ni Fabian na nakayukom ang kamao. "Handa kami sa lahat— tatanggapin namin ang consequence. Mrs.Vicardia— tumabi na kayo," ani ni Faramir na nakayuko. "Ang second oath. Naalala niyo," napatigil sina Thadeus at sina Gaiden matapos marinig iyon. "Sa akin niyo binigay ang second

