Chapter 54 3rd Person's POV Naalarma ang mga kawal na kasama ng dalawang prinsipe. Sa pagpasok ng mga ito at paglapit sa mga prinsipe— nabangga din ng mga ito ang estante. Hindi nagawang makalapit ng mga kawal dahil sa sikip ng lugar at dami ng mga tao. Ilan pa dito ang nabuhusan ng magic poison. Nagtakbuhan ang ilan palabas. Tumayo ang prinsipe— nabangga si Greg at napatabi. Napalayo ito sa mga prinsipe. "Crown prince!" sigaw ni Greg matapos makitang may kulay pulang poison ang malalaglag sa prinsipe. Hinarangan ito ni Yago dahil hindi siya pwede gumamit ng kapangyarihan doon. Matatapon iyon sa kaliwang bahagi ng katawan ni Yago nang itulak siya ni Valeria. Nasunog ang kaliwang braso ni Valeria na kinahiyaw nito sa sakit. "Veleria!" sigaw ni Yago. Naiyak si Valeria sa sakit

