Chapter 76 3rd Person's POV "Mavis, paano mo nagawang piliin ang babaeng iyan. Bakit Mavis!" sigaw ni Legis. Mas lumakas pa ang kapangyarihan nito. "Ako lang ang meron ka Mavis. Sa heaven's realm— ako ang naging kakampi mo. Ako ang laging nasa tabi mo! Hindi kita iniwan Mavis bakit ngayon— ito ba ang isusukli mo sa lahat ng ginawa ko!" bulyaw ni Legis. Sumama ang timpla ng mukha ni Mavis matapos marinig iyon. "Noong iniwan tayo ni ina— ako ang nag-alaga sa iyo. Iyong mga time na hindi ka makapag-transform bilang vessel. Minaliit ka ng lahat— nilayuan ka. Ako lang kaisa-isang taong tumayo sa tabi mo. Bakit mo ako paulit-ulit tinulak palayo! Bakit ka umalis sa god's zone!" sigaw ni Legis. Bahagyang na-guilty si Gallema matapos marinig iyon. Kapatid ni Mavis si Legis. "Legis, tama na

