Chapter 59 3rd Person's POV "200 whip at apat na taong pagkakakulong sa dungeon pagkatapos ng kaguluhan na ito," bulong ni Kieran. Malamig na tiningnan ni Kieran si Faramir na agad yumuko. Bilang pagtanggap. Napatigil sina Thadeus dahil doon. Iniimporma pala ni Faramir si Gemma tungkol sa pag-alis nina Gallema patungo sa holy continent. Hindi iyon nagustuhan ni Kieran at malinaw na taliwas iyon sa batas. Hindi nila pwedeng basta na lang sabihin ang mahahalagang impormasyon sa mga tagalabas lalo na kung related iyon sa ethereal. Basic rules iyon at hindi makapaniwala sina Thadeus na ginawang labagin iyon ni Faramir. "Mahal na emperor, huwag niyo sana ito sabihin sa prinsesa," bulong ni Faramir. Umismid ang emperor at naglakad paalis. Maganda ang hangarin ni Faramir at alam ni Kier

