Chapter 45 3rd Person's POV "Kuya, anong nangyari sa braso mo?" tanong ni Sahara matapos makitang naka-benda ang braso ng kapatid. Hinawakan iyon ni Sahara at parang iiyak anytime. "May nam-bully na naman ba sa iyo kuya?" tanong ni Sahara. Hindi alam ni Uriel ang sasabihin. "Walang nam-bully sa kapatid mo. Nag-training kami kagabi naaksidente siya," ani Loki. Pinakita niya ang mga palad na may benda din. Namamaga ang kamao ni Loki at may mga sugat din. "Ikaw nam-bully kay kuya?" tanong ni Sahara at pinunasan ang mga mata. "Iba ang bully sa friendly and sibling fight," sabat ni Khairo na naghihiwa ng meat. Napatingin si Sahara sa batang lalaki na nasa tabi niya. "Hindi intention ni kuya na saktan si kuya Uriel. Hindi iyon pambu-bully. Huwag mo na sila isipin— adult na sila a

